Wednesday, March 4, 2009

Kwentong Dyipni

Dyip.

Pinoy na pinoy pagnarinig mo yan. Kasi bawat kalye ng Pilipinas meron nyan. Sa buhay ko naman ano ang dyip?

Sa isang araw, isang oras at dalawampu’t siyam na minuto ang nalalaan ko pag-upo lang sa dyip. Hassle. Kasi ma-usok. Mainit. Masikip. Maasim?

Sa Sto. Niño, iba ang trip ng mga operator o sabihin na nating mga tao sa likod, ay harap pala ng mga dyip. Hindi katulad ng sa metro manila, ang dyip doon sa amin e via ticket. No ticket no entry. 28php pag-regular. 23php pag student at senior citizen. at 24php pag teacher. Joke! :D

Sa sinasakyan ko, ang labin’-dalawahang dyip e automatic e 13 ang sasakay. Kaya ang huling papasok e bayani. Dahil willing siya magsuffer kahit kalahating pwet na lang ang mai-uupo niya.

Ako yung tao na hindi antukin pag nasa dyip na. Ayoko yung feeling na walang muscle ang ulo mo dahil sa kaantukan. Yung tipong kusa na lang ito na nahuhulog pero nasasalo mo naman agad. Feeling ko sa mga ganun e. . .  

“Natutulog ba ito o nangtritrip lang?”

Marami ng klaseng pasahero yung mga nakakasabay ko. Merong natutulog,syempre. Merong geeks (basa nang basa ng book pero nahihilo rin sila bandang huli). Merong tourista (tourista kasi ba naman puro sight seeing kahit ba naman sa araw-araw na ginawa ng Diyos e nadaan sila sa lugar na iyon). Merong natetelebabad (45 minutes na sa telepono, kahit nabibingi na ang katabi dahil sa lakas ng boses nito). Merong manyiak (Oo. Meron niyan! Kung saan-saan nakatingin, at nakahawak! hahaha). Merong snatcher (ang tawag ni mama e ‘pulot barya gang’, tanungin niyo na lang siya kung ano yun). Merong mag-boypren/girlpren (nandidiri ako sa mga yan! yung ilan). Merong naghahanap ng destiny (feeling kasi niya e ang katabi na niya ang meant to be niya). Merong nagPPSP, soundtip, tetext, at nagmamajong. Ha? Nagmamajong? hahaha

Kayo san kayo kabilang? Ako isa akong tourista. Nakakhiya man pero ako talaga yun e. Ako yung tipong binibilang kung ilang minuto na bang umaandar ang dyip. O aalamin kung anu-ano ang mga billboard sa NLEX. Kesa matulong nu?!

Naghahanap ng destiny sa dyip?!

Kaninang umaga. 10:16am. Nakasakay na ko sa dyip. Mejo maluwag pa. Pangalawa ako sa dulong malapit sa driver. Eeew! Ano yung naaamoy ko? Ulam na kulob? Shax! Mukhang sa katabi ko e. Kaya umurong ako sa kaliwa. Buti may naa-upo. Di ko na katabi yung manong na may kulob na sinapalukan. Dalawang tao na lang, aandar na. SH*T! Sino tong sasakay?? OMG! Si CRUSH! Medyo may space pa. May space pa. Ano to? Tatabi siya sa akin?? Nooo! Yikes. Wala ako nagawa magkatabi kami ni CRUSH!

Si CRUSH, 3 beses ko na siya nakakasabay jan sa Sto. Niño terminal. Unang tingin napikon ako! Na-isip ko. . . 

“Nakakainis naman ‘to! Ang gwapo!”

Maputi. Matangkad. May reading glasses. May pamatay na bangs. Malaking bag na color military. etc…

Alam ko na ang ginagawa niya everytime nasa dyip. Pagkalipas ng pitong minuto e ilalabas niya na ang ipod niya na may electric tape sa wire at matutulog.

Kalahating pwet niya lang ang naka-upo. Kaya parang nakasandal na siya sa right shoulder ko. Wee ang bango niya. Anyways, doon siya bumababa sa Caltex at sasakay uli ng dyip biyaheng Sangandaan.

Grabe. ganyan naman ako. Masaya, superb pero di na aasa. Hello??? Langit siya, ako? Star ako. Konti lang ang taas niya sa akin! hahaha. joke. Pero di ba nga? Ako yung tipong hindi magugustuhan ng tulad niya. Baka nga hindi niya ako napapansin kahit pilit kong inaabot mula sa kanya yung bayad ng kasasakay lang. Ordinaryong pasahero lang ako para sa kanya. Pasaherong natural, hindi worth remembering.

teka kwentong dyipni to ah? bakit kayo kinikilig diyan?!

Oh puno na ba?

Sige andar na tong dyip! Hanggang sa susunod nating pagsabay CRUSH!

ingat!

rock on!

No comments: