Thursday, November 13, 2008

Ako may Boypren?

Kita mo nga naman ang buhay, iba, iba. Ngayon? Sa tingin ko uso ang mga magboypren-girlpren ngayon. Oo may nakikita ako na mag kasama, sa lRT, Skul, jip, at pati sa elevator ah.. Hindi naman sa pinapakielaman ko.. haha. sa akin lang e yung mga tipong kasing edad ko e may boypren/girlpren na tpos naisip ko, LOVE greater than Study o Love is less than Study???
Malapit ako sa boys, oo kasi may pagkaboyish ako. yap. Makikita niyo ako minsan sa court nakikipagbasag ulo sa paglalaro ng basketball maibalik ko lang ung pinusta kong 6 pesos. Pero hanggang friends lang talaga, as a matter of fact ang mga bestfriends ko e lalaki din (si JP at RR).

Kasi ayoko pa muna kasi sabi ni mama hanggang crush lang daw, tapusin muna ang studies. Ok lang naman sa akin yun. walang problema. may kwento nga ako..

GRADE 3.
Itong si classmate1, close kami. Minsan nga e nagdrodrawing siya ng mga robot tapos binibigay sa kapatid ko na ginagawang laruan. Half-japanese siya. Mabait, cute, at maliit. Di nagtagal, putcha. biruin nyo e crush pala ako! Ayun kesho mabait daw ako. Ayun, as usual kumalat sa room at yun ang naging dahilan na hindi na ko masyadong nakikipag-usap sa kanya. Syempre. Eeew. (haha). One day, o pare! May dinalang isang plastik, yung tipong kasing laki ng Lays, alam nyo ang laman? Ayun. ang kabanal banalang Gummy bears. Kung bibilangin yun, e million! Ayun. Edi tuwang tuwa mga kaklase ko. Tanggapin ko daw. E natapos ang araw na hindi ko tinanggap, with love letter din kasi yun, kinlibutan ako. Kaya hindi ko tinanggap. Ngayon? Na-realize ko, dapat lahat ng gift i-accept. ayun.. nanghihinayang ako. kasi kung kinuha ko yun? Grade 2 up to now? Di ko pa ubos yun! Isang malaking SAYANGGG!!!

Hay ito pa. Mas petmalu! No offense kung mabasa mo classmate2 ah..
GRADE 5.
Cleaners ako. Friday.
Pumunta akong likod ng canteen kasi kakausapin daw ako ni classmate2. Edi punta naman ako. Yung lugar na pinag-usapan namin e hindi kalayuan sa may tindahan.
Ayan na..

Classmate2: Grace, may sasabihin ako sayo.

Dace: O anu naman?

Classmate2: Pwede ba kong magka-crush sa'yo??

Dace: HA? (hindi lang basta HA? yan. Ha + bigla + kilabot + gulat + na-uutot + na-uumay + windang + ngarag = HHHHAAAA????)

kahit yung lang ang sabi nya, CRUSH LANG! E ayoko no? Anak ng tupang puyat naman oh. lam nyo ang sabi ko? ito..

Dace: Hala ayoko!! Magagalit si mama! (hay nako, si mama lagi kong props)

Classmate2: Crush lang naman e!!

Dace: E basta! Dapat prends lang! hala..

Umalis na ko, na may imahinasyon na burahin na sa isip lahat ng mga nangyari. Pero hindi ako matahimik. edi mas maganda kung mailabas ang nararamdaman. Edi sinabi ko sa isa kong klasmeyt na naging dahilan sa pagkakalat. Issue siya may goodness. Iyak si classmate2. Kawawa naman.

Kita niyo na, matakot kayo kung gusto niyo ko! haha
Buti nung HS e wala ng ganyan ganyan.
Lagi kong sinasabi na YUUUCCKK!! Kadiri! Tapos sabi nila na sa una lang daw yan.
O sige gusto ko mag ka boypren, ihanap nyo ako ng kamukha ni Kevin Zegers, Joe Jonas, Zac Efron, Andy Roddick at Wu chun, GO! haha. Hirap no? e pasensya. sila ang gusto ko. IDEAL sila. Tpos!

Siguro nga wala lang talagang nagkakalakas ng loob sa akin. Baka nga mas malakas pa ko sa mga may gusto e. Di bale na, basta may rizal ako. OK na ang lahat. Paulit ulit, prends lang muna.. :D

Baka nga isang araw sabihin ko..

DACE: guys! may boypren na ko!

'Zal: Oy oh. nagjojoke si dace, tawa tayo!

haha. see hindi rin mga nagsipaniwala! ;x





No comments: