Saturday, March 7, 2009

Ballpen ng Buhay Ko

Sa ilang taong pag-aaral ko, bilang sa kamay ang mga ballpen na naubos o grumaduate sa piling ko. Nung elem, naka, natural na sa akin ang mawalan ng ballpen, immune na ko, hindi na ako nagugulat kung sa isang minuto e wala na akong hawak na ballpen. Hindi naman sa nananakaw a. Burara lang talaga ako at sagad sa buto ang pagiging makakalimutin.

Nagtatae, Nawawala, Na-iiwan, Na-wawarak, Nababale. Yan ang mga 'N' na kaaakibat ng mga ballpen ko, nakakaawa sila. Kawawa ang mga ballpen ko nung elem. Disasterrr... Pero nung highschool, nabago ang pananaw ko... kaso nung 4th year pa, kaya 1st to 3rd year, dating gawi.. Nagtatae, Nawawala, Na-iiwan, Na-wawarak, Nababale...

Ang dami kong mga ballpen na in-experiment, yung tipong mag-sisisi ako pag nawala ko..
Pero wala talaga...Panda, HBW, Faber Castle, Pilot yung tig-P21, meron nung tig-P45 (retractable), kahit Parker pa yan, kung hindi mawawala, mawawalan ng tinta. Yung retractable Pilot kala ko, siya na.. kala ko siya na talaga ang unang gragraduate.. pero nagkamali ako. Nung 1/4 na lang ang natitirang tinta, bigla ba namang bumigay. Ang sakit! Ang sakit! Lahat ng bagay ginawa ko tuminta lang uli, Hinipan ko mala CPR ang dating, sinunog ng lighter yung dulo.. ini-stretch.. dinasalan.. pero wala na talaga..

I take my chances nung 4th year, sabi ko sa sarili ko, "Sige yung retractable na lang ang forever ballpen ko, tutal.. so far, siya pa lang ang tumagal." So bumili ako nung refill nun, yung BLUE.. hindi naman kawalan dahil 15 pesos lang yun dati. Pero hindi ko na kaya yung 1/4 ink ang matitira. Maaga pa lang bumigay na yung mga sumunod.

"Ayoko na, suko na lang ako. Di na lang kaya ako mag-susulat?", aking paghihinagpis...
"Wag, wag ka sumuko. Andito pa ako", sambit ni G-TEC.
(nice may dula pa!)

anyways, tama ka dyan!
Ang G-Tec ang sumagot sa matagal ko nang problema..
Pilot din siya, 60 pesos nga lang. May pag-kamahal pero mukha namang heaven kung sumulat.
0.3 ang gamit ko. Laging blue.

Nung highschool, inspirasyon namin ang G-Tec sa pag-aaral. Delikado pag-bumagsak ito, sensitive ito, sobra. Isang bagsak kasi nito, may chance na mawalan agad ng tinta, dating 0.3 ngayon e 0.003. ang sakit.. 60 pesos mo tigok na rin. Magkamatayan wag lang ito mabagsak, parang cellphone. Iiyakan mo pag bumagsak, pagpapawisan ka ng malagkit at mapapasigaw ng... 'Sh*t!', 'Ay pu@* &6a!', 'ga*%!', 'Gusto ko nang mamatay!'... ganon talaga, suicidal ang dating.

G-Tec ng aking buhay! Siya.. ang unang ballpen na grumaduate mula sa akin! yung case nga nito, na-itabi ko pa. Simot na simot yung ink nito.. kulang na lang pati yung mukhang gel e sumama sa pag-sulat. Marami kami napagdaanan nun, nabagsak na yun pero hindi siya sumuko. Siya ang kaakibat ko sa lahat ng quiz na na-ibagsak ko sa physics. Itong hamak na G-Tec ang nagpabago sa buhay kong ballpeng walain sa ballpen poreber!

Nalungot nga ako nung isang linggo. Laking gulat ko P70 pesos na ang G-Tec! Sus! Purket nag-kolehiyo lang nabago na.. nasira kasi yung latest ko. Pagbaba ko kasi ng dyip sa Tayuman, nahulog yung G-Tec mula sa bulsa ko, tapos nung kukunin ko na... bigla ba naman nasagasaan ng truck! dinig ko yung pag-kawarak niya e... "KwaaAaAaarrRrakkkkk...." Slow mo ang concept. Tapos ayun mangiyak-ngiyak ako. hinintay ko pa tuloy na ma-Perfect ko yung quiz sa math bago bumili nang bago. As reward syempre!

Ayan ngayon.. 70pesos na G-Tec e katumbas ng buhay.. buhay.. ng mga manok ni mama! Syempre, hindi pwedeng katumbas ng buhay ko no?! Manok lang.. ok na yun.

G-Tec sa Umaga
G-Tec sa Tanghali
G-Tec sa Gabi
G-Tec unli 24/7
at . . .
G-Tec sa pagsulat ng una kong nobela...

abangan... :D

rock on!

No comments: