Wednesday, December 2, 2009

Liham Pasasalamat 18th Year Edition



Birthday ko na naman! Isang taon na agad ang lumipas ng sinulat ko yung isa pang version ng Liham Pasasalamat.

Ok. Simulan ko na. Ito na ang THANKS LIST ko!

Salamat muna sa mga nag-advance na sila Mami AC at Kimpoi.

 

Siyempre, maraming salamat sa mga taong nag-effort batiin ako ng alas dose ng madaling araw. Sila ang mga taong nagbigay kulay sa unang saglit ng panibagong taon ng buhay ko.

Si RR, na nag missed call pa (muntik ko nang masagot, nagulat ako sa vibration ng fone ko). Nagbigay din siya ng verse sa Bible na sobrang ganda. Love you Ar!

Si Kathy na pulidong polido ang greeting na “.happy bday.”.

Si Reika nanagbigay ng sobrang sincere na message (@reiks love you! Remember, happy kami sa mga activities mo kasi lam namin na masaya ka rin :D).

Tinext na ko ni Papa, na-niremind ako to thank Jesus for giving me 18 years of life, syempre kasama na rin dun si Mama.

Syempre, mawawala ba ang pinaka-loving na kaibigan kong dyabolika, si Jacq na wish e sana extended na ang time ng gala ko.. hmm sana nga! haha. Love you Sunbae!

Salamat sa inyo! Salamat kahit hindi ko magawang gumising pag birthday naman nila, haha. Exempted ako sa mga early greetings. Alam na nila kung bakit. 

 

Mawawala ba ang greetings ng SAN DIEGO FAMILY KO? Syempre hindi.

Pag-gising ko, hindi ako binabati ni Tita Elvie. Sabi ko, “Tita di mo ba ko babatiin?”. Sabi naman ni Tita, “Hindi ka naman makapaghintay e.”. Nako babatiin din pala. Haha 

6:00AM, first message was “Hapi 18th bday” - Mark. Thanks Mark!

Ang puro compliment ni Tita Alice ( . . . to my beautiful, mabait, smart, sexy, etc etc etc).

Ang isa-isang text greeting ng mga paborito kong pinsan Ejong,RJ, at LJ.

Binati din ako ni Tita Lita, Mommy at Ate Ahba.

Tumawag din sa phone si Angel.

Si Kuya Aron at Kuya Jaydee na dumaan pa dito sa bahay para idaan yung cake.

SALAMAT!

 

Salamat sa RIZAL FAMILY ko na wala ng humpay ang greetings at naghahanap ng party.

Ke Cielo na nagpapakita ng concern hindi lang sa akin kundi sa buong family ko.

Kay Tita Ann na loving friend, as always.

Si Fred na inakala kong si Sheilz,

si Sheilz na hindi ko nabati sa kanyang birthday kahapon dahil sa katangahan ko.

Si Ariel na naka-’pucha’ pa dahil nakalimutan akogn i-greet ng 12am.

Si Kat na may message na nakaka-touch.

Ang humabol na text ni PugsEms, at

Rej na tinignan pa sa yearbook kung birthday ko nga. 

Salamat sa inyo kahit hindi nako na-greet nung iba alam ko namang wala kayong load o kaya walang time o kaya busy sa loading business. haha. pero alam ko naman kahit papano e naalala niyong birthday ko! Thanks guys! Friends Forever. SALAMAT! Love ko kayo!

 

Syempre sa FMID Family ko rin.

Kala ko walang nakaalala sa birthday ko sa kanila, pero nung 8:00AM, binati ako ni Abi, na kasundo ko sa mga kalokohan.

Si Hazelle na kasundo ko sa tawanan.

Si KC, na Dacey ang pagkatext sa akin kanina.

Si Ja na nagpanggap na Enchong Dee.

Si Marian na nakita ko kanina na papasok ng library.

Sa 2FMID na masayang kumanta ng Happy Birthday. Sori at di ko kayo maisa-isa. Baka December 3 na e hindi pa ko tapos mag-type.

Thanks din sa mga napadaan sa Facebook profile ko!

 

Tinext din ako ng friend ni Mark na si Florence. Thanks!

 

9:30AM nasa school na ko. Maaga. Ay, I mean. Super Aga. Kasi 11:00AM pa ang pasok ko. Sumabay da kasi ako ke Tita umalis ng bahay, planado na rin yun dahil dadaan ako sa UST church.

Ang bongga ng UST Church pagpasok ko. Feeling ko may event. Medyo maingay pero hindi ito naging dahilan para hindi magpasalamat kay Lord.

Aminin ko medyo malungkot ako, kasi iniisip ko baka matuloy i-confine si mama sa Kidney Center at hindi ko sila makita ni Papa ngayong araw. So nag-pray ako, sabi ko dapat magpapasalamat lang ako pero dinagdag ko na na “Sana gift mo na lang sa akin Lord e gumaling si Mama, yun lang.”

Pagkagaling sa church, dun ako tumambay sa harap ng library. Dun sa sulok na wala munang makakita sa aking klasmeyt. Wala, gusto ko mag-isa muna ako. Medyo teary eyed ako habang nagbabasa sa Lit at nag-soundtrip (I Don’t Care by 2nE1) nang may tumawag. . .

Si Jayps. Ayan medyo na-relieved ako at nawala ang sadness, naubos ang load niya dahil sa chikahang medyo matagal rin, thanks Jayps. At ayun, napag-desisyonan kong harapin na ang mundo at ipagsigawang birthday ko ngayon!

 

Yung best friend ko, kilala niyo? Siya ay walang iba kundi si Jesus Christ.

Nung na-ospital si Mama, sabi ko sa sarili ko. Gustong magalit ke Lord pero simply I can’t. Hindi ko kaya, dahil hindi pwede. Sobrang dinaan ko sa prayers ang lahat. Ayun. ngayon magaling na si Mama, konting days na lang ang i-stay niya sa hospital. Papalakas na lang siya. Malaki ang improvement niya dahil sa pinagsamasamang prayers ng Papa, Mark, ako, mga Tita, mga Pinsan at Kaibigan. Dito pinatunayan ni Lord na totoo ang mga sinabi niya, “Sometimes it takes a painful experience to make us change our ways.”

 

Gusto kong magpasalamat kay Lord Jesus dahil sa 18 years ng aking buhay na full of happiness and over-all protection. Sa binigay niyang pag-asa at unlimited na pagmamahal. Sa binigay niyang perfect Family at Kaibigan (na nagbigay ng sobrang daming messages sa Facebook). He never leaved me, never abandoned me (Hebrews 13:5). Minahal niya ko ng buo dahil alam niyang sobra ko din siyang minamahal. Salamat Lord, I LOVE YOU!

 

So nabasa niyo na? Sana walang kong nakalimutan.. Yung nakalimutan ko special yun! haha..

Ok. This is Dace Alcala y San DiegoROCKIN’ at 18!

 

rock on!

Monday, November 23, 2009

TOP 10 Reasons why HIGH SCHOOL is the BEST

Top
10. Flag Ceremony
9. Competitions & Events
8. Exam Exemptions
7. Food Trip
6. Teachers
5. Worst Memories
4. Movie Watching
3. Larong Pambata
2. Trip-trip
1. LAUGH Trip






























Tuesday, October 27, 2009

Beautiful Nightmare

Isang gabing pagluluksa ang ginawa ng ating bidang si Dace dahil 5 araw na siyang nagpupuyat para sa ikapapasa ng exams niya ngayong sem. Sa sobrang kaboringan e binuksan niya ang TV at nanuod ng balita sa Bandila. Puro good news ang sumalubong sa kanya. Walang Asian people ang pumasok sa top 15 ng Ms. Universe, may nasagasaan sa McArthur Highway sa bandang Dalandanan sa Valenzuela, may nagbangaang bus, marami ang namatay, tumaas ang presyo ng diesel. . . etc. Napa-isip ng malalim ang ating bida . . .

“Nako, kahit killer bus ang mga sinasakyan ko tuwing papasok e buti di ako naaksidente.”

 

Kinabukasan, exam sa Eco. Medyo. Hmmm. Bangag ang ating bida dahil sa puyat ito.

Papasok na si Dace, nagbiyahe, bumaba sa Camachile, sumakay ng mini bus, naupo, nagbukas ng notes, nagreview.

Ngayon lang halos na gets ng ating bida ang elasticity of demand at kung bakit merong pivot o rotation to the y-axis ang mga graphs sa notes nito. Naka-kunot noo ang ating bida habang hirap na hirap i-analyzed ang Invisible Hand theory ng biglang . . . biglang . . .

May malakas na impact ang tumama sa kanang bahagi ng bus. Mabilis ang mga pangyayari, parang kidlat. Nawalan na nang malay si Dace dahil itoy nauntog. Napapikit sa sakit. Sigaw at iyak na lamang ang kanyang naririnig mula sa mga tao sa paligid. Sandaling panahon pa e nawalan na rin ito ng malay.

 

Kahit nahirapan, pinilit na minulat ni Dace ang kanyang mga mata. Nasaan na siya? Puro puti at parang may effect na fog ang settings na kinatatayuan niya.

Dace: Nasan ako? (biglang naalala ang aksidenteng nabanggit kanikanina lamang). Nako! Patay na ba ko? Nako po! Ito yung mga nakikita ko sa pelikula e, puting setting. Hala! Nako, hindi yan, kasi dapat meron akong makakausap dito.. Dapat di lang ako ang mag-isa dito . .

(Biglang may nagsalita, mababa ang boses, lalaki)

*: Ako ba ang hinahanap mo???

Dace: Oh my God? (tumalikod ito, nakita ang lalaki, na hindi niya masyadong mabanaag ang itsura)

*: Ako nga ang God mo. Alam mo ba kung bakit ka nandito ha?

Dace: Opo. Naaksidente yung sinasakyang kong bus.

*: Handa ka na ba?

Dace: Mamatay?

(Hindi sumagot ang *)

Dace: Bakit ang bilis naman ho? Bata pa ko.

*: Di ba yun naman ang gusto mo? Mabilis? Yung hindi ka na nahirapan?

Dace: Ahm. Opo, gusto ko yun, pero hindi sa ganitong paraan.

*: Anong paraang sinasabi mo?

Dace: Yung . . Nag-rereview ako sa Eco, tapos bigla na lang akong namatay? Ang gara naman nun. Baka masisi ko pa si Adam Smith (Father of Economics) sa langit.

*: Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko. Handa ka na ba?

Dace: E . . . (naka-kunot ang noo, nag-iisip) Pano na mga magulang ko, malulungkot yun. Mga kaibigan? Mga pangarap?

*: Gusto mong mabuhay pa dahil sa mga magulang mo? Unti-unti din naman nila to matatanggap. Ang mga kaibigan mo? Sa una lang shock yang mga yan, pero pag tumagal, busy na yan sa mga kursong kinukuha ng mga yan, wala na silang oras para isipin ka pa. Ang mga pangarap mo? Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na gusto mo bago ka pumunta sa langit e i-tour kita sa buong mundo. Pwes, mabibigay ko na sayo ang hinihiling mo. May game ngayon si Maria Sharapova sa Wimbledon, gusto mo manuod? Makakakita ka ng snow, yung hindi artificial. Ano handa ka na ba ngayon?

Dace: Mahirap mag-decide.

*: Isa lang ang tanong ko. Dalawa ang pwedeng maging sagot. Parang sa exam: true or false.

Dace: Oo nga mukhang madali. True or False pero 20 points each. No erasures at right minus wrong pa! Anong madali dun?

*: Na-prepessure ka lang. Mag-isip ka, lahat ng gusto mong malaman, malalaman mo. Ang mga sikretong gusto mong malaman e ma-rereveal ko ngayon. Di ba? Gusto mong malaman kung sino ang pumatay kay Ninoy? Bumalik sa nakaraan. Ano ang sikreto ng mga politiko? Malaman ang mga taong hindi totoo sa iyo. At marami pa! Makikita mo nang muli ang mga aso mo, si Ate, Gucci, Spike, Bogart. Si Tia Mereng, Lola mo . . .

Dace: Pwede ba, ngayon mo na lang sabihin mga secrets, tapos balik na ko totoong buhay? Wag nyo na po kong bitinin.

*: Ang daya naman, unfair yun!

Dace: (napa-isip) Sige! Sasama na ko. Handa na ko.

*: Sigurado ka?

Dace: Opo.

*: Talaga? Wala kang mamimiss?

Dace: (naluluha na) Bakit ganyan ka? Kanina pinipilit mo kong sumama, ngayon nangongonsenysa ka?!

*: Hindi kita pinipilit. Binibigyan lang kita ng pagkakataong mamili at makapagdesisiyon.

Dace: Hindi ko po alam ang sagot! Ikaw? Ano bang gusto mo?

*: Hala, bakit ako na ang tinatanong mo?

(hindi umiimik ang ating bida)

*: Alam mo, yan ang hirap sayo. Hinahayaan mo lang na manghimasok ang ibang tao sa buhay mo. Aminin mo, marami ka ng pinagsisihan, hindi ba? Hindi mo kayang tumayo sa sarili mong paa. Ang pangarap mo, sinawalang bahala mo para sa kapakanan ng iba. Takot ka, duwag. You pretend that your happy, pero hindi naman talaga.

(naluluha si Dace, hindi tumitingin sa kausap)

Dace: Lam niyo? Ayaw kong mag-mature, kaya siguro ganito ako. Gusto ko ang buhay, e ganito lang, ganito ka-simple. Pero hindi pala pwede, hindi pwedeng ganito lang ang buhay. Marami akong pinagsisisihan pero meron pa rin akong gustong patunayan. Ayokong mamatay na walang na-ipagmalaki. Gusto ko pang tumawa e, magpasaya, magbigay, magmahal. Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.

Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.

Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.

Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.

 

Konduktor: Miss . . Miss, bayad niyo?

Dace: Ha? Asan po ako?

Konduktor: Nasa Bluementritt na po kayo, may ticket na kayo?

Dace: Ha??? Nanaginip lang ho ba ko manong?

Konduktor: Ewan ko lang. Ano magbabayad ka na ba?! (Pikon na)

Dace: Ay, ito na po. . (nagbayad, bumaba sa Dapitan)

Pagdating ng ating bida sa skwelahan e ito’y balisa pa rin tila nakalimutang may exam siya ngayon.

Marian: Dace, natapos mo yung Eco?

(tulala ang ating bida)

KC: OY! San ka na sa ECO???

Dace: Sampalin niyo nga ako. Buhay pa ba ko?

Abi: Anong pinagsasabi mo jan?

 

Natapos na ang exam sa Eco. Nahirapan si Dace sa pagsagot, praning pa rin sa kanyang panaginip.

Dace: Ang hirap ng exam! Putek! Grabe, bakit di pa nagkatotoo yung panaginip ko?? (tumawa)

 

 

Bumalik na nga sa totoong buhay (so, may joke din pala ang buhay).

 

Kelangan may patunayan, may mahanap na sagot sa mga katanungan.

 

end

rock on!

Friday, July 24, 2009

What the Check!


Isang araw . . sa Aliw Complex sa Meycauayan . . naglalakad si RR at Dace . . nang biglang . .

 

(Nakakita si Dace ng baller sa may tindahan)

Dace: Miss magkano po itong baller na yellow?

Tindera: 10 piso lang.

Dace: (Humarap kay RR) Uy, Ar oh! 10 pesos lang . . gusto mo bili kita? Para pareho tayo?

RR: Hindi. Wag na ko. Ikaw na lang. (Umalis at tumingin sa kabilang tindahan)

Dace: Ahm. Miss, may Nike po ba nito?

Tindera: (May hinanahanap, Naghahanap ata ng Nike na brand) Ay. Wala na e . . CHECK na lang meron e. .

Dace: (Nawindang. Napa-isip ng malalim) Ahmmm.. (Natatawang, Naluluha) Sige po. Kukunin ko na po yang CHECK niyo . . (Windang pa rin)

 

Nike o Check?

Anong brand ang mas bongga???

Wednesday, July 22, 2009

Abangan Mo 'To

Hoy! Reader/s! Meron akong gusto sabihin sa pamamagitan ng blog ko dito sa blogger. Meron akong sinusulat na maikling kwento. Nako sana abangan mo, Abangan Mo Sana, para naman di masayang ang effort ko. Hahaha

Ito ay sabihin na nating kwentong barbero na pwede rin naman mangyari sa totoong buhay na galing sa imahinasyon ko. Oo, pwede ‘to mangyari sa buhay mo, buhay ko, buhay ng katabi mo ngayon. Ewan ko ba, kwento ata ‘to na naghahanda sa isang nilalang na tumanggap ng pag-ibig sa hindi inaasahang tao, sa hindi inaasahang pagkakataon.

Kaya ikaw, handa ka na bang ma-inlove? Nakanaks!

 

P.S. Ready po ako sa kahit anong kritisismong matatanggap ko, e perstaym ko kasi magsulat e. Saka malamang sa malamang e ang ibang eksenang mababasa ninyo e hango sa mga palabas sa TV, pelikula, pirated DVD Series, commercials, pwede rin eksena sa buhay ko, ng persona, ng mga nakikita ko..

muli…

Abangan mo ha…

wala pa akong title, at open for suggestions. Kahit irrelevant ang mabigay niyo, titignan ko kung magfifit siya (e.g. Ang Arinola, Romblon Souvenir, Pencil Case). Comment niyo na lang. :D

rock on!


Saturday, March 7, 2009

Ballpen ng Buhay Ko

Sa ilang taong pag-aaral ko, bilang sa kamay ang mga ballpen na naubos o grumaduate sa piling ko. Nung elem, naka, natural na sa akin ang mawalan ng ballpen, immune na ko, hindi na ako nagugulat kung sa isang minuto e wala na akong hawak na ballpen. Hindi naman sa nananakaw a. Burara lang talaga ako at sagad sa buto ang pagiging makakalimutin.

Nagtatae, Nawawala, Na-iiwan, Na-wawarak, Nababale. Yan ang mga 'N' na kaaakibat ng mga ballpen ko, nakakaawa sila. Kawawa ang mga ballpen ko nung elem. Disasterrr... Pero nung highschool, nabago ang pananaw ko... kaso nung 4th year pa, kaya 1st to 3rd year, dating gawi.. Nagtatae, Nawawala, Na-iiwan, Na-wawarak, Nababale...

Ang dami kong mga ballpen na in-experiment, yung tipong mag-sisisi ako pag nawala ko..
Pero wala talaga...Panda, HBW, Faber Castle, Pilot yung tig-P21, meron nung tig-P45 (retractable), kahit Parker pa yan, kung hindi mawawala, mawawalan ng tinta. Yung retractable Pilot kala ko, siya na.. kala ko siya na talaga ang unang gragraduate.. pero nagkamali ako. Nung 1/4 na lang ang natitirang tinta, bigla ba namang bumigay. Ang sakit! Ang sakit! Lahat ng bagay ginawa ko tuminta lang uli, Hinipan ko mala CPR ang dating, sinunog ng lighter yung dulo.. ini-stretch.. dinasalan.. pero wala na talaga..

I take my chances nung 4th year, sabi ko sa sarili ko, "Sige yung retractable na lang ang forever ballpen ko, tutal.. so far, siya pa lang ang tumagal." So bumili ako nung refill nun, yung BLUE.. hindi naman kawalan dahil 15 pesos lang yun dati. Pero hindi ko na kaya yung 1/4 ink ang matitira. Maaga pa lang bumigay na yung mga sumunod.

"Ayoko na, suko na lang ako. Di na lang kaya ako mag-susulat?", aking paghihinagpis...
"Wag, wag ka sumuko. Andito pa ako", sambit ni G-TEC.
(nice may dula pa!)

anyways, tama ka dyan!
Ang G-Tec ang sumagot sa matagal ko nang problema..
Pilot din siya, 60 pesos nga lang. May pag-kamahal pero mukha namang heaven kung sumulat.
0.3 ang gamit ko. Laging blue.

Nung highschool, inspirasyon namin ang G-Tec sa pag-aaral. Delikado pag-bumagsak ito, sensitive ito, sobra. Isang bagsak kasi nito, may chance na mawalan agad ng tinta, dating 0.3 ngayon e 0.003. ang sakit.. 60 pesos mo tigok na rin. Magkamatayan wag lang ito mabagsak, parang cellphone. Iiyakan mo pag bumagsak, pagpapawisan ka ng malagkit at mapapasigaw ng... 'Sh*t!', 'Ay pu@* &6a!', 'ga*%!', 'Gusto ko nang mamatay!'... ganon talaga, suicidal ang dating.

G-Tec ng aking buhay! Siya.. ang unang ballpen na grumaduate mula sa akin! yung case nga nito, na-itabi ko pa. Simot na simot yung ink nito.. kulang na lang pati yung mukhang gel e sumama sa pag-sulat. Marami kami napagdaanan nun, nabagsak na yun pero hindi siya sumuko. Siya ang kaakibat ko sa lahat ng quiz na na-ibagsak ko sa physics. Itong hamak na G-Tec ang nagpabago sa buhay kong ballpeng walain sa ballpen poreber!

Nalungot nga ako nung isang linggo. Laking gulat ko P70 pesos na ang G-Tec! Sus! Purket nag-kolehiyo lang nabago na.. nasira kasi yung latest ko. Pagbaba ko kasi ng dyip sa Tayuman, nahulog yung G-Tec mula sa bulsa ko, tapos nung kukunin ko na... bigla ba naman nasagasaan ng truck! dinig ko yung pag-kawarak niya e... "KwaaAaAaarrRrakkkkk...." Slow mo ang concept. Tapos ayun mangiyak-ngiyak ako. hinintay ko pa tuloy na ma-Perfect ko yung quiz sa math bago bumili nang bago. As reward syempre!

Ayan ngayon.. 70pesos na G-Tec e katumbas ng buhay.. buhay.. ng mga manok ni mama! Syempre, hindi pwedeng katumbas ng buhay ko no?! Manok lang.. ok na yun.

G-Tec sa Umaga
G-Tec sa Tanghali
G-Tec sa Gabi
G-Tec unli 24/7
at . . .
G-Tec sa pagsulat ng una kong nobela...

abangan... :D

rock on!

Wednesday, March 4, 2009

Ako'y Nagbalik

Shocks, ka-tagal akong di nakasulat dine sa blog republic na ito. E pano, may fans na ako dun sa isa... yung dun sa friendster blog ko.. Ayun ang pinagtuunan ko ng pansin dahil kahit pa paano e may nagbasa. Marami na rin akong na-post dun, maganda daw sabi ng ilan.. sabi ng 5 tao, to be specific. haha.. Natuwa naman sila, medyo may potential ata ako sa pagsulat, medyo lang naman...

Binalikan ko pala ito dahil naisipan kong basahin yung mga na-una kong post. Aba, dito pala ako first tym nagsulat. Unang blog ko. Dito ko na-limbag ang mixed emotions ko bago pumasok sa kolehiyo. Mga karanasan... Nga pala yung iba rin pala jan e copied lang din dun sa isa.. if ever kasi di niyo mabuksan friendster ko e, dito niyo na lamang basahin. Alam niyo naman e hangad ko ang ika-liligaya ng bawat isa.

Sa totoo lang dapat serious tong isusulat ko ngayon e, kaso lalo ko pa bang i-dodown ang sarili ko? Ito na nga lang pagsulat ang nakakapagpagaan ng loob ko tapos lulungkutan ko pa? Ang masama pa dun, kaw din baka maluha! Mala-MMK ang kinakaharap kong problema ngayon, pero yaan mo, test lang yan. Ako ng bahala, pati ang nag-iisang KAIBIGAN ko, Lam kong sinusuportahan niya ako, ever since. Thanks my LORD!

Ayoko nakakakita ng malungkot, yung tipong kasing kuba ko na, yung tipong mas matanda pa sa Narra sa me likod ng bahay ang hitsura dahil lang sa isang problema. Dapat masaya lang. Kung ano ang mangyayari yun ang mangyayari. Natural lang maramdaman ang takot, pero utang na loob, harapin mo yang takot na yan, mas malakas ka jan!

teka tigil ko muna ito.. hahaha
feeling ko kasi di niyo ko na-iintindihan, tutal wala akong na-ikwento pa.
Medyo bangag lang ako pasensya na...

gusto mo pa magbasa?


rock on!

Kwentong Dyipni

Dyip.

Pinoy na pinoy pagnarinig mo yan. Kasi bawat kalye ng Pilipinas meron nyan. Sa buhay ko naman ano ang dyip?

Sa isang araw, isang oras at dalawampu’t siyam na minuto ang nalalaan ko pag-upo lang sa dyip. Hassle. Kasi ma-usok. Mainit. Masikip. Maasim?

Sa Sto. Niño, iba ang trip ng mga operator o sabihin na nating mga tao sa likod, ay harap pala ng mga dyip. Hindi katulad ng sa metro manila, ang dyip doon sa amin e via ticket. No ticket no entry. 28php pag-regular. 23php pag student at senior citizen. at 24php pag teacher. Joke! :D

Sa sinasakyan ko, ang labin’-dalawahang dyip e automatic e 13 ang sasakay. Kaya ang huling papasok e bayani. Dahil willing siya magsuffer kahit kalahating pwet na lang ang mai-uupo niya.

Ako yung tao na hindi antukin pag nasa dyip na. Ayoko yung feeling na walang muscle ang ulo mo dahil sa kaantukan. Yung tipong kusa na lang ito na nahuhulog pero nasasalo mo naman agad. Feeling ko sa mga ganun e. . .  

“Natutulog ba ito o nangtritrip lang?”

Marami ng klaseng pasahero yung mga nakakasabay ko. Merong natutulog,syempre. Merong geeks (basa nang basa ng book pero nahihilo rin sila bandang huli). Merong tourista (tourista kasi ba naman puro sight seeing kahit ba naman sa araw-araw na ginawa ng Diyos e nadaan sila sa lugar na iyon). Merong natetelebabad (45 minutes na sa telepono, kahit nabibingi na ang katabi dahil sa lakas ng boses nito). Merong manyiak (Oo. Meron niyan! Kung saan-saan nakatingin, at nakahawak! hahaha). Merong snatcher (ang tawag ni mama e ‘pulot barya gang’, tanungin niyo na lang siya kung ano yun). Merong mag-boypren/girlpren (nandidiri ako sa mga yan! yung ilan). Merong naghahanap ng destiny (feeling kasi niya e ang katabi na niya ang meant to be niya). Merong nagPPSP, soundtip, tetext, at nagmamajong. Ha? Nagmamajong? hahaha

Kayo san kayo kabilang? Ako isa akong tourista. Nakakhiya man pero ako talaga yun e. Ako yung tipong binibilang kung ilang minuto na bang umaandar ang dyip. O aalamin kung anu-ano ang mga billboard sa NLEX. Kesa matulong nu?!

Naghahanap ng destiny sa dyip?!

Kaninang umaga. 10:16am. Nakasakay na ko sa dyip. Mejo maluwag pa. Pangalawa ako sa dulong malapit sa driver. Eeew! Ano yung naaamoy ko? Ulam na kulob? Shax! Mukhang sa katabi ko e. Kaya umurong ako sa kaliwa. Buti may naa-upo. Di ko na katabi yung manong na may kulob na sinapalukan. Dalawang tao na lang, aandar na. SH*T! Sino tong sasakay?? OMG! Si CRUSH! Medyo may space pa. May space pa. Ano to? Tatabi siya sa akin?? Nooo! Yikes. Wala ako nagawa magkatabi kami ni CRUSH!

Si CRUSH, 3 beses ko na siya nakakasabay jan sa Sto. Niño terminal. Unang tingin napikon ako! Na-isip ko. . . 

“Nakakainis naman ‘to! Ang gwapo!”

Maputi. Matangkad. May reading glasses. May pamatay na bangs. Malaking bag na color military. etc…

Alam ko na ang ginagawa niya everytime nasa dyip. Pagkalipas ng pitong minuto e ilalabas niya na ang ipod niya na may electric tape sa wire at matutulog.

Kalahating pwet niya lang ang naka-upo. Kaya parang nakasandal na siya sa right shoulder ko. Wee ang bango niya. Anyways, doon siya bumababa sa Caltex at sasakay uli ng dyip biyaheng Sangandaan.

Grabe. ganyan naman ako. Masaya, superb pero di na aasa. Hello??? Langit siya, ako? Star ako. Konti lang ang taas niya sa akin! hahaha. joke. Pero di ba nga? Ako yung tipong hindi magugustuhan ng tulad niya. Baka nga hindi niya ako napapansin kahit pilit kong inaabot mula sa kanya yung bayad ng kasasakay lang. Ordinaryong pasahero lang ako para sa kanya. Pasaherong natural, hindi worth remembering.

teka kwentong dyipni to ah? bakit kayo kinikilig diyan?!

Oh puno na ba?

Sige andar na tong dyip! Hanggang sa susunod nating pagsabay CRUSH!

ingat!

rock on!