Isang gabing pagluluksa ang ginawa ng ating bidang si Dace dahil 5 araw na siyang nagpupuyat para sa ikapapasa ng exams niya ngayong sem. Sa sobrang kaboringan e binuksan niya ang TV at nanuod ng balita sa Bandila. Puro good news ang sumalubong sa kanya. Walang Asian people ang pumasok sa top 15 ng Ms. Universe, may nasagasaan sa McArthur Highway sa bandang Dalandanan sa Valenzuela, may nagbangaang bus, marami ang namatay, tumaas ang presyo ng diesel. . . etc. Napa-isip ng malalim ang ating bida . . .
“Nako, kahit killer bus ang mga sinasakyan ko tuwing papasok e buti di ako naaksidente.”
Kinabukasan, exam sa Eco. Medyo. Hmmm. Bangag ang ating bida dahil sa puyat ito.
Papasok na si Dace, nagbiyahe, bumaba sa Camachile, sumakay ng mini bus, naupo, nagbukas ng notes, nagreview.
Ngayon lang halos na gets ng ating bida ang elasticity of demand at kung bakit merong pivot o rotation to the y-axis ang mga graphs sa notes nito. Naka-kunot noo ang ating bida habang hirap na hirap i-analyzed ang Invisible Hand theory ng biglang . . . biglang . . .
May malakas na impact ang tumama sa kanang bahagi ng bus. Mabilis ang mga pangyayari, parang kidlat. Nawalan na nang malay si Dace dahil itoy nauntog. Napapikit sa sakit. Sigaw at iyak na lamang ang kanyang naririnig mula sa mga tao sa paligid. Sandaling panahon pa e nawalan na rin ito ng malay.
Kahit nahirapan, pinilit na minulat ni Dace ang kanyang mga mata. Nasaan na siya? Puro puti at parang may effect na fog ang settings na kinatatayuan niya.
Dace: Nasan ako? (biglang naalala ang aksidenteng nabanggit kanikanina lamang). Nako! Patay na ba ko? Nako po! Ito yung mga nakikita ko sa pelikula e, puting setting. Hala! Nako, hindi yan, kasi dapat meron akong makakausap dito.. Dapat di lang ako ang mag-isa dito . .
(Biglang may nagsalita, mababa ang boses, lalaki)
*: Ako ba ang hinahanap mo???
Dace: Oh my God? (tumalikod ito, nakita ang lalaki, na hindi niya masyadong mabanaag ang itsura)
*: Ako nga ang God mo. Alam mo ba kung bakit ka nandito ha?
Dace: Opo. Naaksidente yung sinasakyang kong bus.
*: Handa ka na ba?
Dace: Mamatay?
(Hindi sumagot ang *)
Dace: Bakit ang bilis naman ho? Bata pa ko.
*: Di ba yun naman ang gusto mo? Mabilis? Yung hindi ka na nahirapan?
Dace: Ahm. Opo, gusto ko yun, pero hindi sa ganitong paraan.
*: Anong paraang sinasabi mo?
Dace: Yung . . Nag-rereview ako sa Eco, tapos bigla na lang akong namatay? Ang gara naman nun. Baka masisi ko pa si Adam Smith (Father of Economics) sa langit.
*: Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko. Handa ka na ba?
Dace: E . . . (naka-kunot ang noo, nag-iisip) Pano na mga magulang ko, malulungkot yun. Mga kaibigan? Mga pangarap?
*: Gusto mong mabuhay pa dahil sa mga magulang mo? Unti-unti din naman nila to matatanggap. Ang mga kaibigan mo? Sa una lang shock yang mga yan, pero pag tumagal, busy na yan sa mga kursong kinukuha ng mga yan, wala na silang oras para isipin ka pa. Ang mga pangarap mo? Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na gusto mo bago ka pumunta sa langit e i-tour kita sa buong mundo. Pwes, mabibigay ko na sayo ang hinihiling mo. May game ngayon si Maria Sharapova sa Wimbledon, gusto mo manuod? Makakakita ka ng snow, yung hindi artificial. Ano handa ka na ba ngayon?
Dace: Mahirap mag-decide.
*: Isa lang ang tanong ko. Dalawa ang pwedeng maging sagot. Parang sa exam: true or false.
Dace: Oo nga mukhang madali. True or False pero 20 points each. No erasures at right minus wrong pa! Anong madali dun?
*: Na-prepessure ka lang. Mag-isip ka, lahat ng gusto mong malaman, malalaman mo. Ang mga sikretong gusto mong malaman e ma-rereveal ko ngayon. Di ba? Gusto mong malaman kung sino ang pumatay kay Ninoy? Bumalik sa nakaraan. Ano ang sikreto ng mga politiko? Malaman ang mga taong hindi totoo sa iyo. At marami pa! Makikita mo nang muli ang mga aso mo, si Ate, Gucci, Spike, Bogart. Si Tia Mereng, Lola mo . . .
Dace: Pwede ba, ngayon mo na lang sabihin mga secrets, tapos balik na ko totoong buhay? Wag nyo na po kong bitinin.
*: Ang daya naman, unfair yun!
Dace: (napa-isip) Sige! Sasama na ko. Handa na ko.
*: Sigurado ka?
Dace: Opo.
*: Talaga? Wala kang mamimiss?
Dace: (naluluha na) Bakit ganyan ka? Kanina pinipilit mo kong sumama, ngayon nangongonsenysa ka?!
*: Hindi kita pinipilit. Binibigyan lang kita ng pagkakataong mamili at makapagdesisiyon.
Dace: Hindi ko po alam ang sagot! Ikaw? Ano bang gusto mo?
*: Hala, bakit ako na ang tinatanong mo?
(hindi umiimik ang ating bida)
*: Alam mo, yan ang hirap sayo. Hinahayaan mo lang na manghimasok ang ibang tao sa buhay mo. Aminin mo, marami ka ng pinagsisihan, hindi ba? Hindi mo kayang tumayo sa sarili mong paa. Ang pangarap mo, sinawalang bahala mo para sa kapakanan ng iba. Takot ka, duwag. You pretend that your happy, pero hindi naman talaga.
(naluluha si Dace, hindi tumitingin sa kausap)
Dace: Lam niyo? Ayaw kong mag-mature, kaya siguro ganito ako. Gusto ko ang buhay, e ganito lang, ganito ka-simple. Pero hindi pala pwede, hindi pwedeng ganito lang ang buhay. Marami akong pinagsisisihan pero meron pa rin akong gustong patunayan. Ayokong mamatay na walang na-ipagmalaki. Gusto ko pang tumawa e, magpasaya, magbigay, magmahal. Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.
Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.
Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.
Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.
Konduktor: Miss . . Miss, bayad niyo?
Dace: Ha? Asan po ako?
Konduktor: Nasa Bluementritt na po kayo, may ticket na kayo?
Dace: Ha??? Nanaginip lang ho ba ko manong?
Konduktor: Ewan ko lang. Ano magbabayad ka na ba?! (Pikon na)
Dace: Ay, ito na po. . (nagbayad, bumaba sa Dapitan)
Pagdating ng ating bida sa skwelahan e ito’y balisa pa rin tila nakalimutang may exam siya ngayon.
Marian: Dace, natapos mo yung Eco?
(tulala ang ating bida)
KC: OY! San ka na sa ECO???
Dace: Sampalin niyo nga ako. Buhay pa ba ko?
Abi: Anong pinagsasabi mo jan?
Natapos na ang exam sa Eco. Nahirapan si Dace sa pagsagot, praning pa rin sa kanyang panaginip.
Dace: Ang hirap ng exam! Putek! Grabe, bakit di pa nagkatotoo yung panaginip ko?? (tumawa)
Bumalik na nga sa totoong buhay (so, may joke din pala ang buhay).
Kelangan may patunayan, may mahanap na sagot sa mga katanungan.
end
rock on!
No comments:
Post a Comment