Saturday, March 7, 2009

Ballpen ng Buhay Ko

Sa ilang taong pag-aaral ko, bilang sa kamay ang mga ballpen na naubos o grumaduate sa piling ko. Nung elem, naka, natural na sa akin ang mawalan ng ballpen, immune na ko, hindi na ako nagugulat kung sa isang minuto e wala na akong hawak na ballpen. Hindi naman sa nananakaw a. Burara lang talaga ako at sagad sa buto ang pagiging makakalimutin.

Nagtatae, Nawawala, Na-iiwan, Na-wawarak, Nababale. Yan ang mga 'N' na kaaakibat ng mga ballpen ko, nakakaawa sila. Kawawa ang mga ballpen ko nung elem. Disasterrr... Pero nung highschool, nabago ang pananaw ko... kaso nung 4th year pa, kaya 1st to 3rd year, dating gawi.. Nagtatae, Nawawala, Na-iiwan, Na-wawarak, Nababale...

Ang dami kong mga ballpen na in-experiment, yung tipong mag-sisisi ako pag nawala ko..
Pero wala talaga...Panda, HBW, Faber Castle, Pilot yung tig-P21, meron nung tig-P45 (retractable), kahit Parker pa yan, kung hindi mawawala, mawawalan ng tinta. Yung retractable Pilot kala ko, siya na.. kala ko siya na talaga ang unang gragraduate.. pero nagkamali ako. Nung 1/4 na lang ang natitirang tinta, bigla ba namang bumigay. Ang sakit! Ang sakit! Lahat ng bagay ginawa ko tuminta lang uli, Hinipan ko mala CPR ang dating, sinunog ng lighter yung dulo.. ini-stretch.. dinasalan.. pero wala na talaga..

I take my chances nung 4th year, sabi ko sa sarili ko, "Sige yung retractable na lang ang forever ballpen ko, tutal.. so far, siya pa lang ang tumagal." So bumili ako nung refill nun, yung BLUE.. hindi naman kawalan dahil 15 pesos lang yun dati. Pero hindi ko na kaya yung 1/4 ink ang matitira. Maaga pa lang bumigay na yung mga sumunod.

"Ayoko na, suko na lang ako. Di na lang kaya ako mag-susulat?", aking paghihinagpis...
"Wag, wag ka sumuko. Andito pa ako", sambit ni G-TEC.
(nice may dula pa!)

anyways, tama ka dyan!
Ang G-Tec ang sumagot sa matagal ko nang problema..
Pilot din siya, 60 pesos nga lang. May pag-kamahal pero mukha namang heaven kung sumulat.
0.3 ang gamit ko. Laging blue.

Nung highschool, inspirasyon namin ang G-Tec sa pag-aaral. Delikado pag-bumagsak ito, sensitive ito, sobra. Isang bagsak kasi nito, may chance na mawalan agad ng tinta, dating 0.3 ngayon e 0.003. ang sakit.. 60 pesos mo tigok na rin. Magkamatayan wag lang ito mabagsak, parang cellphone. Iiyakan mo pag bumagsak, pagpapawisan ka ng malagkit at mapapasigaw ng... 'Sh*t!', 'Ay pu@* &6a!', 'ga*%!', 'Gusto ko nang mamatay!'... ganon talaga, suicidal ang dating.

G-Tec ng aking buhay! Siya.. ang unang ballpen na grumaduate mula sa akin! yung case nga nito, na-itabi ko pa. Simot na simot yung ink nito.. kulang na lang pati yung mukhang gel e sumama sa pag-sulat. Marami kami napagdaanan nun, nabagsak na yun pero hindi siya sumuko. Siya ang kaakibat ko sa lahat ng quiz na na-ibagsak ko sa physics. Itong hamak na G-Tec ang nagpabago sa buhay kong ballpeng walain sa ballpen poreber!

Nalungot nga ako nung isang linggo. Laking gulat ko P70 pesos na ang G-Tec! Sus! Purket nag-kolehiyo lang nabago na.. nasira kasi yung latest ko. Pagbaba ko kasi ng dyip sa Tayuman, nahulog yung G-Tec mula sa bulsa ko, tapos nung kukunin ko na... bigla ba naman nasagasaan ng truck! dinig ko yung pag-kawarak niya e... "KwaaAaAaarrRrakkkkk...." Slow mo ang concept. Tapos ayun mangiyak-ngiyak ako. hinintay ko pa tuloy na ma-Perfect ko yung quiz sa math bago bumili nang bago. As reward syempre!

Ayan ngayon.. 70pesos na G-Tec e katumbas ng buhay.. buhay.. ng mga manok ni mama! Syempre, hindi pwedeng katumbas ng buhay ko no?! Manok lang.. ok na yun.

G-Tec sa Umaga
G-Tec sa Tanghali
G-Tec sa Gabi
G-Tec unli 24/7
at . . .
G-Tec sa pagsulat ng una kong nobela...

abangan... :D

rock on!

Wednesday, March 4, 2009

Ako'y Nagbalik

Shocks, ka-tagal akong di nakasulat dine sa blog republic na ito. E pano, may fans na ako dun sa isa... yung dun sa friendster blog ko.. Ayun ang pinagtuunan ko ng pansin dahil kahit pa paano e may nagbasa. Marami na rin akong na-post dun, maganda daw sabi ng ilan.. sabi ng 5 tao, to be specific. haha.. Natuwa naman sila, medyo may potential ata ako sa pagsulat, medyo lang naman...

Binalikan ko pala ito dahil naisipan kong basahin yung mga na-una kong post. Aba, dito pala ako first tym nagsulat. Unang blog ko. Dito ko na-limbag ang mixed emotions ko bago pumasok sa kolehiyo. Mga karanasan... Nga pala yung iba rin pala jan e copied lang din dun sa isa.. if ever kasi di niyo mabuksan friendster ko e, dito niyo na lamang basahin. Alam niyo naman e hangad ko ang ika-liligaya ng bawat isa.

Sa totoo lang dapat serious tong isusulat ko ngayon e, kaso lalo ko pa bang i-dodown ang sarili ko? Ito na nga lang pagsulat ang nakakapagpagaan ng loob ko tapos lulungkutan ko pa? Ang masama pa dun, kaw din baka maluha! Mala-MMK ang kinakaharap kong problema ngayon, pero yaan mo, test lang yan. Ako ng bahala, pati ang nag-iisang KAIBIGAN ko, Lam kong sinusuportahan niya ako, ever since. Thanks my LORD!

Ayoko nakakakita ng malungkot, yung tipong kasing kuba ko na, yung tipong mas matanda pa sa Narra sa me likod ng bahay ang hitsura dahil lang sa isang problema. Dapat masaya lang. Kung ano ang mangyayari yun ang mangyayari. Natural lang maramdaman ang takot, pero utang na loob, harapin mo yang takot na yan, mas malakas ka jan!

teka tigil ko muna ito.. hahaha
feeling ko kasi di niyo ko na-iintindihan, tutal wala akong na-ikwento pa.
Medyo bangag lang ako pasensya na...

gusto mo pa magbasa?


rock on!

Kwentong Dyipni

Dyip.

Pinoy na pinoy pagnarinig mo yan. Kasi bawat kalye ng Pilipinas meron nyan. Sa buhay ko naman ano ang dyip?

Sa isang araw, isang oras at dalawampu’t siyam na minuto ang nalalaan ko pag-upo lang sa dyip. Hassle. Kasi ma-usok. Mainit. Masikip. Maasim?

Sa Sto. Niño, iba ang trip ng mga operator o sabihin na nating mga tao sa likod, ay harap pala ng mga dyip. Hindi katulad ng sa metro manila, ang dyip doon sa amin e via ticket. No ticket no entry. 28php pag-regular. 23php pag student at senior citizen. at 24php pag teacher. Joke! :D

Sa sinasakyan ko, ang labin’-dalawahang dyip e automatic e 13 ang sasakay. Kaya ang huling papasok e bayani. Dahil willing siya magsuffer kahit kalahating pwet na lang ang mai-uupo niya.

Ako yung tao na hindi antukin pag nasa dyip na. Ayoko yung feeling na walang muscle ang ulo mo dahil sa kaantukan. Yung tipong kusa na lang ito na nahuhulog pero nasasalo mo naman agad. Feeling ko sa mga ganun e. . .  

“Natutulog ba ito o nangtritrip lang?”

Marami ng klaseng pasahero yung mga nakakasabay ko. Merong natutulog,syempre. Merong geeks (basa nang basa ng book pero nahihilo rin sila bandang huli). Merong tourista (tourista kasi ba naman puro sight seeing kahit ba naman sa araw-araw na ginawa ng Diyos e nadaan sila sa lugar na iyon). Merong natetelebabad (45 minutes na sa telepono, kahit nabibingi na ang katabi dahil sa lakas ng boses nito). Merong manyiak (Oo. Meron niyan! Kung saan-saan nakatingin, at nakahawak! hahaha). Merong snatcher (ang tawag ni mama e ‘pulot barya gang’, tanungin niyo na lang siya kung ano yun). Merong mag-boypren/girlpren (nandidiri ako sa mga yan! yung ilan). Merong naghahanap ng destiny (feeling kasi niya e ang katabi na niya ang meant to be niya). Merong nagPPSP, soundtip, tetext, at nagmamajong. Ha? Nagmamajong? hahaha

Kayo san kayo kabilang? Ako isa akong tourista. Nakakhiya man pero ako talaga yun e. Ako yung tipong binibilang kung ilang minuto na bang umaandar ang dyip. O aalamin kung anu-ano ang mga billboard sa NLEX. Kesa matulong nu?!

Naghahanap ng destiny sa dyip?!

Kaninang umaga. 10:16am. Nakasakay na ko sa dyip. Mejo maluwag pa. Pangalawa ako sa dulong malapit sa driver. Eeew! Ano yung naaamoy ko? Ulam na kulob? Shax! Mukhang sa katabi ko e. Kaya umurong ako sa kaliwa. Buti may naa-upo. Di ko na katabi yung manong na may kulob na sinapalukan. Dalawang tao na lang, aandar na. SH*T! Sino tong sasakay?? OMG! Si CRUSH! Medyo may space pa. May space pa. Ano to? Tatabi siya sa akin?? Nooo! Yikes. Wala ako nagawa magkatabi kami ni CRUSH!

Si CRUSH, 3 beses ko na siya nakakasabay jan sa Sto. Niño terminal. Unang tingin napikon ako! Na-isip ko. . . 

“Nakakainis naman ‘to! Ang gwapo!”

Maputi. Matangkad. May reading glasses. May pamatay na bangs. Malaking bag na color military. etc…

Alam ko na ang ginagawa niya everytime nasa dyip. Pagkalipas ng pitong minuto e ilalabas niya na ang ipod niya na may electric tape sa wire at matutulog.

Kalahating pwet niya lang ang naka-upo. Kaya parang nakasandal na siya sa right shoulder ko. Wee ang bango niya. Anyways, doon siya bumababa sa Caltex at sasakay uli ng dyip biyaheng Sangandaan.

Grabe. ganyan naman ako. Masaya, superb pero di na aasa. Hello??? Langit siya, ako? Star ako. Konti lang ang taas niya sa akin! hahaha. joke. Pero di ba nga? Ako yung tipong hindi magugustuhan ng tulad niya. Baka nga hindi niya ako napapansin kahit pilit kong inaabot mula sa kanya yung bayad ng kasasakay lang. Ordinaryong pasahero lang ako para sa kanya. Pasaherong natural, hindi worth remembering.

teka kwentong dyipni to ah? bakit kayo kinikilig diyan?!

Oh puno na ba?

Sige andar na tong dyip! Hanggang sa susunod nating pagsabay CRUSH!

ingat!

rock on!