Next Line
Friday, November 11, 2011
Monday, November 8, 2010
Usapang Bayan (August 3, 2009)
Malungkot akong umuwi sa bahay ngayon. Ume-echo pa rin kasi sa tenga ko ang mga narinig kong salita mula sa isang __________. . .
“Filipinos are worth dying for! . . . HELLO?? Filipinos are dying!!! Hindi ko sinasabing namamatay ang mga Pilipino no. . . ang point ko is, yung essence ng pagiging Pilipino natin e sa tingin niyo ba andun pa? Wala na!! Iilan na lang sa atin ang pinahahalagahan yun!”
Hindi man yun ang exact words e sobra ko pa ring dinibdib yun. Tagos sa laman ang mga narinig ko. Para bang bumalik ako sa dating kong paniniwala. .
Bilang Pilipino alam ko ang mga pagkukulang ko, alam kong sa edad kong ‘to marami na kong hindi napatunayan, marami na kong hindi nagawa sa bayan. Baliktad ang mga AKO MISMO ko. Para sa akin noon,
“AKO MISMO ang nawalan ng pag-asang umangat tayo, umunlad, at magbago.”
Paano mo hindi sasabihin ‘yan? Sa Pilipinas, marami sa atin ang iniisip lang ang kapakanan nila. Sa atin may katakot takot na trapik na nakakapagpapawis sa kili-kili ng sinumang sasakay sa bus, jip, fx na walang aircon, etc. Ma-wrong timing ka lang sa pagtawid e sandamukal na mura ang matatanggap mo. Sa tuwing mag-eeleksyon, bakit ang daming mga main roads at eskinita ang pinagagawa, at syempre meron sa mga tabi ang naglalakihang paalala na ‘this is a project of ______’. Summer na, pero meron pa ring ‘Merry Christmas from ____’ sa mga daan. Lumalaki ang gap ng mayayaman sa mahihirap. Gusto natin ng mababang presyo ng gamot . . . oo, siguro, para affordable na ang pinagbabawal na gamot, ganon ba yun? Teka, bakit ba kelangan pang pondohan ng gobyerno ang pag-ihi ng mga kalalakihan, unfair sa girls ata yun!
“Hindi na tayo uunlad!”, bulong ng demonyo sa kaliwang tenga ko.
“Gumising ka nga Dace!”, sigaw ng anghel sa kaliwang tenga rin, na sinapak ang demonyo upang malalag ito sa pagkakalipad.
So nagising na ko, inisip ko sana magising rin kayo.
Sobrang nagdadalamhati ngayon ang Pilipinas kong mahal, dahil kinuha na sa atin ang nagsilbing ilaw o sabihin na nating apoy na nagliyab na humarap at lumaban sa Martial Law, si Pangulong Corazon Aquino. Hindi siya nabigo, na-ibalik natin ang demokrasya. SALAMAT!
Si President Cory ang tanging pangulong hindi inabuso ang kanyang kapangyarihan. Hindi inakusahan ng kurapsyon. Matapang siya at nanindigan na tayong mga Pilipino ay may magagawa. Masayahin at hindi nakakalimot na tumawag sa Diyos. Alam niyo, siya pa lang ang kilala kong Filipino leader na tinaggap ang pagtatapos ng kanyang termino ng buong puso.
Hindi natin nadadama ngayon ang ganitong kalayaan kung hindi dahil kay Pres. Cory. Dahil sa kanya marami akong na-realize. KAYA PALA NATIN!
Gusto natin ng PAGBABAGO hindi ba? Bakit ganon? Pag-andyan na ang pagbabago e bakit puro kritisismo at pambabatikos ang kinahihinatnan?
Ganyan lagi, alam ko yan kasi, matatalino tayo. Hindi tayo nauubusan ng reklamo. Ganyan tayong mga Pilipino, aminin natin yan. Pero sana sa bawat reklamo, tignan din natin ang PROGRESO. Parang piso per minute na tawag . . . Sa bawat reklamo mo, sana may PROGRESS di ba?
Magkaroon tayo ng deal. Ikaw, OO! Ikaw, Pilipino ka alam ko, kasi kung hindi e, hindi mo mababasa ‘tong blog ko. OK, ganito ‘yan. Pag ikaw, sinabi mong wala tayong mapapala . . . e . . . IKAW MISMO sa sarili mo e hindi nagagampanan ang pagka-Pilipino, IKAW MISMO ang walang napapala. Wala ka na ngang napala e nag-papalala ka pa. Kung nawawalan ka na ng pag-asa e kumuha ka ng post it at idikit mo sa noo mo, “Salot Ako!”.
May rason kung bakit nasa Pilipinas ka. Isipin mo yan, Gising na!
Maraming Salamat po, mahal na Pangulong Corazon Aquino.
Maraming Salamat sa nag-iisang INA NG DEMOKRASYA!
Your Legacy will remain in every Filipino hearts FOREVER!
Wednesday, December 2, 2009
Liham Pasasalamat 18th Year Edition

Birthday ko na naman! Isang taon na agad ang lumipas ng sinulat ko yung isa pang version ng Liham Pasasalamat.
Ok. Simulan ko na. Ito na ang THANKS LIST ko!
Salamat muna sa mga nag-advance na sila Mami AC at Kimpoi.
Siyempre, maraming salamat sa mga taong nag-effort batiin ako ng alas dose ng madaling araw. Sila ang mga taong nagbigay kulay sa unang saglit ng panibagong taon ng buhay ko.
Si RR, na nag missed call pa (muntik ko nang masagot, nagulat ako sa vibration ng fone ko). Nagbigay din siya ng verse sa Bible na sobrang ganda. Love you Ar!
Si Kathy na pulidong polido ang greeting na “.happy bday.”.
Si Reika nanagbigay ng sobrang sincere na message (@reiks love you! Remember, happy kami sa mga activities mo kasi lam namin na masaya ka rin :D).
Tinext na ko ni Papa, na-niremind ako to thank Jesus for giving me 18 years of life, syempre kasama na rin dun si Mama.
Syempre, mawawala ba ang pinaka-loving na kaibigan kong dyabolika, si Jacq na wish e sana extended na ang time ng gala ko.. hmm sana nga! haha. Love you Sunbae!
Salamat sa inyo! Salamat kahit hindi ko magawang gumising pag birthday naman nila, haha. Exempted ako sa mga early greetings. Alam na nila kung bakit.
Mawawala ba ang greetings ng SAN DIEGO FAMILY KO? Syempre hindi.
Pag-gising ko, hindi ako binabati ni Tita Elvie. Sabi ko, “Tita di mo ba ko babatiin?”. Sabi naman ni Tita, “Hindi ka naman makapaghintay e.”. Nako babatiin din pala. Haha
6:00AM, first message was “Hapi 18th bday” - Mark. Thanks Mark!
Ang puro compliment ni Tita Alice ( . . . to my beautiful, mabait, smart, sexy, etc etc etc).
Ang isa-isang text greeting ng mga paborito kong pinsan Ejong,RJ, at LJ.
Binati din ako ni Tita Lita, Mommy at Ate Ahba.
Tumawag din sa phone si Angel.
Si Kuya Aron at Kuya Jaydee na dumaan pa dito sa bahay para idaan yung cake.
SALAMAT!
Salamat sa RIZAL FAMILY ko na wala ng humpay ang greetings at naghahanap ng party.
Ke Cielo na nagpapakita ng concern hindi lang sa akin kundi sa buong family ko.
Kay Tita Ann na loving friend, as always.
Si Fred na inakala kong si Sheilz,
si Sheilz na hindi ko nabati sa kanyang birthday kahapon dahil sa katangahan ko.
Si Ariel na naka-’pucha’ pa dahil nakalimutan akogn i-greet ng 12am.
Si Kat na may message na nakaka-touch.
Ang humabol na text ni Pugs, Ems, at
Rej na tinignan pa sa yearbook kung birthday ko nga.
Salamat sa inyo kahit hindi nako na-greet nung iba alam ko namang wala kayong load o kaya walang time o kaya busy sa loading business. haha. pero alam ko naman kahit papano e naalala niyong birthday ko! Thanks guys! Friends Forever. SALAMAT! Love ko kayo!
Syempre sa FMID Family ko rin.
Kala ko walang nakaalala sa birthday ko sa kanila, pero nung 8:00AM, binati ako ni Abi, na kasundo ko sa mga kalokohan.
Si Hazelle na kasundo ko sa tawanan.
Si KC, na Dacey ang pagkatext sa akin kanina.
Si Ja na nagpanggap na Enchong Dee.
Si Marian na nakita ko kanina na papasok ng library.
Sa 2FMID na masayang kumanta ng Happy Birthday. Sori at di ko kayo maisa-isa. Baka December 3 na e hindi pa ko tapos mag-type.
Thanks din sa mga napadaan sa Facebook profile ko!
Tinext din ako ng friend ni Mark na si Florence. Thanks!
9:30AM nasa school na ko. Maaga. Ay, I mean. Super Aga. Kasi 11:00AM pa ang pasok ko. Sumabay da kasi ako ke Tita umalis ng bahay, planado na rin yun dahil dadaan ako sa UST church.
Ang bongga ng UST Church pagpasok ko. Feeling ko may event. Medyo maingay pero hindi ito naging dahilan para hindi magpasalamat kay Lord.
Aminin ko medyo malungkot ako, kasi iniisip ko baka matuloy i-confine si mama sa Kidney Center at hindi ko sila makita ni Papa ngayong araw. So nag-pray ako, sabi ko dapat magpapasalamat lang ako pero dinagdag ko na na “Sana gift mo na lang sa akin Lord e gumaling si Mama, yun lang.”
Pagkagaling sa church, dun ako tumambay sa harap ng library. Dun sa sulok na wala munang makakita sa aking klasmeyt. Wala, gusto ko mag-isa muna ako. Medyo teary eyed ako habang nagbabasa sa Lit at nag-soundtrip (I Don’t Care by 2nE1) nang may tumawag. . .
Si Jayps. Ayan medyo na-relieved ako at nawala ang sadness, naubos ang load niya dahil sa chikahang medyo matagal rin, thanks Jayps. At ayun, napag-desisyonan kong harapin na ang mundo at ipagsigawang birthday ko ngayon!
Yung best friend ko, kilala niyo? Siya ay walang iba kundi si Jesus Christ.
Nung na-ospital si Mama, sabi ko sa sarili ko. Gustong magalit ke Lord pero simply I can’t. Hindi ko kaya, dahil hindi pwede. Sobrang dinaan ko sa prayers ang lahat. Ayun. ngayon magaling na si Mama, konting days na lang ang i-stay niya sa hospital. Papalakas na lang siya. Malaki ang improvement niya dahil sa pinagsamasamang prayers ng Papa, Mark, ako, mga Tita, mga Pinsan at Kaibigan. Dito pinatunayan ni Lord na totoo ang mga sinabi niya, “Sometimes it takes a painful experience to make us change our ways.”
Gusto kong magpasalamat kay Lord Jesus dahil sa 18 years ng aking buhay na full of happiness and over-all protection. Sa binigay niyang pag-asa at unlimited na pagmamahal. Sa binigay niyang perfect Family at Kaibigan (na nagbigay ng sobrang daming messages sa Facebook). He never leaved me, never abandoned me (Hebrews 13:5). Minahal niya ko ng buo dahil alam niyang sobra ko din siyang minamahal. Salamat Lord, I LOVE YOU!
So nabasa niyo na? Sana walang kong nakalimutan.. Yung nakalimutan ko special yun! haha..
Ok. This is Dace Alcala y San Diego, ROCKIN’ at 18!
rock on!
Monday, November 23, 2009
TOP 10 Reasons why HIGH SCHOOL is the BEST
Tuesday, October 27, 2009
Beautiful Nightmare
Isang gabing pagluluksa ang ginawa ng ating bidang si Dace dahil 5 araw na siyang nagpupuyat para sa ikapapasa ng exams niya ngayong sem. Sa sobrang kaboringan e binuksan niya ang TV at nanuod ng balita sa Bandila. Puro good news ang sumalubong sa kanya. Walang Asian people ang pumasok sa top 15 ng Ms. Universe, may nasagasaan sa McArthur Highway sa bandang Dalandanan sa Valenzuela, may nagbangaang bus, marami ang namatay, tumaas ang presyo ng diesel. . . etc. Napa-isip ng malalim ang ating bida . . .
“Nako, kahit killer bus ang mga sinasakyan ko tuwing papasok e buti di ako naaksidente.”
Kinabukasan, exam sa Eco. Medyo. Hmmm. Bangag ang ating bida dahil sa puyat ito.
Papasok na si Dace, nagbiyahe, bumaba sa Camachile, sumakay ng mini bus, naupo, nagbukas ng notes, nagreview.
Ngayon lang halos na gets ng ating bida ang elasticity of demand at kung bakit merong pivot o rotation to the y-axis ang mga graphs sa notes nito. Naka-kunot noo ang ating bida habang hirap na hirap i-analyzed ang Invisible Hand theory ng biglang . . . biglang . . .
May malakas na impact ang tumama sa kanang bahagi ng bus. Mabilis ang mga pangyayari, parang kidlat. Nawalan na nang malay si Dace dahil itoy nauntog. Napapikit sa sakit. Sigaw at iyak na lamang ang kanyang naririnig mula sa mga tao sa paligid. Sandaling panahon pa e nawalan na rin ito ng malay.
Kahit nahirapan, pinilit na minulat ni Dace ang kanyang mga mata. Nasaan na siya? Puro puti at parang may effect na fog ang settings na kinatatayuan niya.
Dace: Nasan ako? (biglang naalala ang aksidenteng nabanggit kanikanina lamang). Nako! Patay na ba ko? Nako po! Ito yung mga nakikita ko sa pelikula e, puting setting. Hala! Nako, hindi yan, kasi dapat meron akong makakausap dito.. Dapat di lang ako ang mag-isa dito . .
(Biglang may nagsalita, mababa ang boses, lalaki)
*: Ako ba ang hinahanap mo???
Dace: Oh my God? (tumalikod ito, nakita ang lalaki, na hindi niya masyadong mabanaag ang itsura)
*: Ako nga ang God mo. Alam mo ba kung bakit ka nandito ha?
Dace: Opo. Naaksidente yung sinasakyang kong bus.
*: Handa ka na ba?
Dace: Mamatay?
(Hindi sumagot ang *)
Dace: Bakit ang bilis naman ho? Bata pa ko.
*: Di ba yun naman ang gusto mo? Mabilis? Yung hindi ka na nahirapan?
Dace: Ahm. Opo, gusto ko yun, pero hindi sa ganitong paraan.
*: Anong paraang sinasabi mo?
Dace: Yung . . Nag-rereview ako sa Eco, tapos bigla na lang akong namatay? Ang gara naman nun. Baka masisi ko pa si Adam Smith (Father of Economics) sa langit.
*: Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko. Handa ka na ba?
Dace: E . . . (naka-kunot ang noo, nag-iisip) Pano na mga magulang ko, malulungkot yun. Mga kaibigan? Mga pangarap?
*: Gusto mong mabuhay pa dahil sa mga magulang mo? Unti-unti din naman nila to matatanggap. Ang mga kaibigan mo? Sa una lang shock yang mga yan, pero pag tumagal, busy na yan sa mga kursong kinukuha ng mga yan, wala na silang oras para isipin ka pa. Ang mga pangarap mo? Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na gusto mo bago ka pumunta sa langit e i-tour kita sa buong mundo. Pwes, mabibigay ko na sayo ang hinihiling mo. May game ngayon si Maria Sharapova sa Wimbledon, gusto mo manuod? Makakakita ka ng snow, yung hindi artificial. Ano handa ka na ba ngayon?
Dace: Mahirap mag-decide.
*: Isa lang ang tanong ko. Dalawa ang pwedeng maging sagot. Parang sa exam: true or false.
Dace: Oo nga mukhang madali. True or False pero 20 points each. No erasures at right minus wrong pa! Anong madali dun?
*: Na-prepessure ka lang. Mag-isip ka, lahat ng gusto mong malaman, malalaman mo. Ang mga sikretong gusto mong malaman e ma-rereveal ko ngayon. Di ba? Gusto mong malaman kung sino ang pumatay kay Ninoy? Bumalik sa nakaraan. Ano ang sikreto ng mga politiko? Malaman ang mga taong hindi totoo sa iyo. At marami pa! Makikita mo nang muli ang mga aso mo, si Ate, Gucci, Spike, Bogart. Si Tia Mereng, Lola mo . . .
Dace: Pwede ba, ngayon mo na lang sabihin mga secrets, tapos balik na ko totoong buhay? Wag nyo na po kong bitinin.
*: Ang daya naman, unfair yun!
Dace: (napa-isip) Sige! Sasama na ko. Handa na ko.
*: Sigurado ka?
Dace: Opo.
*: Talaga? Wala kang mamimiss?
Dace: (naluluha na) Bakit ganyan ka? Kanina pinipilit mo kong sumama, ngayon nangongonsenysa ka?!
*: Hindi kita pinipilit. Binibigyan lang kita ng pagkakataong mamili at makapagdesisiyon.
Dace: Hindi ko po alam ang sagot! Ikaw? Ano bang gusto mo?
*: Hala, bakit ako na ang tinatanong mo?
(hindi umiimik ang ating bida)
*: Alam mo, yan ang hirap sayo. Hinahayaan mo lang na manghimasok ang ibang tao sa buhay mo. Aminin mo, marami ka ng pinagsisihan, hindi ba? Hindi mo kayang tumayo sa sarili mong paa. Ang pangarap mo, sinawalang bahala mo para sa kapakanan ng iba. Takot ka, duwag. You pretend that your happy, pero hindi naman talaga.
(naluluha si Dace, hindi tumitingin sa kausap)
Dace: Lam niyo? Ayaw kong mag-mature, kaya siguro ganito ako. Gusto ko ang buhay, e ganito lang, ganito ka-simple. Pero hindi pala pwede, hindi pwedeng ganito lang ang buhay. Marami akong pinagsisisihan pero meron pa rin akong gustong patunayan. Ayokong mamatay na walang na-ipagmalaki. Gusto ko pang tumawa e, magpasaya, magbigay, magmahal. Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.
Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.
Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.
Gusto kong magkaroon ng meaning ang buhay ko.
Konduktor: Miss . . Miss, bayad niyo?
Dace: Ha? Asan po ako?
Konduktor: Nasa Bluementritt na po kayo, may ticket na kayo?
Dace: Ha??? Nanaginip lang ho ba ko manong?
Konduktor: Ewan ko lang. Ano magbabayad ka na ba?! (Pikon na)
Dace: Ay, ito na po. . (nagbayad, bumaba sa Dapitan)
Pagdating ng ating bida sa skwelahan e ito’y balisa pa rin tila nakalimutang may exam siya ngayon.
Marian: Dace, natapos mo yung Eco?
(tulala ang ating bida)
KC: OY! San ka na sa ECO???
Dace: Sampalin niyo nga ako. Buhay pa ba ko?
Abi: Anong pinagsasabi mo jan?
Natapos na ang exam sa Eco. Nahirapan si Dace sa pagsagot, praning pa rin sa kanyang panaginip.
Dace: Ang hirap ng exam! Putek! Grabe, bakit di pa nagkatotoo yung panaginip ko?? (tumawa)
Bumalik na nga sa totoong buhay (so, may joke din pala ang buhay).
Kelangan may patunayan, may mahanap na sagot sa mga katanungan.
end
rock on!
Friday, July 24, 2009
What the Check!
Isang araw . . sa Aliw Complex sa Meycauayan . . naglalakad si RR at Dace . . nang biglang . .
(Nakakita si Dace ng baller sa may tindahan)
Dace: Miss magkano po itong baller na yellow?
Tindera: 10 piso lang.
Dace: (Humarap kay RR) Uy, Ar oh! 10 pesos lang . . gusto mo bili kita? Para pareho tayo?
RR: Hindi. Wag na ko. Ikaw na lang. (Umalis at tumingin sa kabilang tindahan)
Dace: Ahm. Miss, may Nike po ba nito?
Tindera: (May hinanahanap, Naghahanap ata ng Nike na brand) Ay. Wala na e . . CHECK na lang meron e. .
Dace: (Nawindang. Napa-isip ng malalim) Ahmmm.. (Natatawang, Naluluha) Sige po. Kukunin ko na po yang CHECK niyo . . (Windang pa rin)
Nike o Check?
Anong brand ang mas bongga???
Wednesday, July 22, 2009
Abangan Mo 'To
Hoy! Reader/s! Meron akong gusto sabihin sa pamamagitan ng blog ko dito sa blogger. Meron akong sinusulat na maikling kwento. Nako sana abangan mo, Abangan Mo Sana, para naman di masayang ang effort ko. Hahaha
Ito ay sabihin na nating kwentong barbero na pwede rin naman mangyari sa totoong buhay na galing sa imahinasyon ko. Oo, pwede ‘to mangyari sa buhay mo, buhay ko, buhay ng katabi mo ngayon. Ewan ko ba, kwento ata ‘to na naghahanda sa isang nilalang na tumanggap ng pag-ibig sa hindi inaasahang tao, sa hindi inaasahang pagkakataon.
Kaya ikaw, handa ka na bang ma-inlove? Nakanaks!
P.S. Ready po ako sa kahit anong kritisismong matatanggap ko, e perstaym ko kasi magsulat e. Saka malamang sa malamang e ang ibang eksenang mababasa ninyo e hango sa mga palabas sa TV, pelikula, pirated DVD Series, commercials, pwede rin eksena sa buhay ko, ng persona, ng mga nakikita ko..
muli…
Abangan mo ha…
wala pa akong title, at open for suggestions. Kahit irrelevant ang mabigay niyo, titignan ko kung magfifit siya (e.g. Ang Arinola, Romblon Souvenir, Pencil Case). Comment niyo na lang. :D
rock on!