Malungkot akong umuwi sa bahay ngayon. Ume-echo pa rin kasi sa tenga ko ang mga narinig kong salita mula sa isang __________. . .
“Filipinos are worth dying for! . . . HELLO?? Filipinos are dying!!! Hindi ko sinasabing namamatay ang mga Pilipino no. . . ang point ko is, yung essence ng pagiging Pilipino natin e sa tingin niyo ba andun pa? Wala na!! Iilan na lang sa atin ang pinahahalagahan yun!”
Hindi man yun ang exact words e sobra ko pa ring dinibdib yun. Tagos sa laman ang mga narinig ko. Para bang bumalik ako sa dating kong paniniwala. .
Bilang Pilipino alam ko ang mga pagkukulang ko, alam kong sa edad kong ‘to marami na kong hindi napatunayan, marami na kong hindi nagawa sa bayan. Baliktad ang mga AKO MISMO ko. Para sa akin noon,
“AKO MISMO ang nawalan ng pag-asang umangat tayo, umunlad, at magbago.”
Paano mo hindi sasabihin ‘yan? Sa Pilipinas, marami sa atin ang iniisip lang ang kapakanan nila. Sa atin may katakot takot na trapik na nakakapagpapawis sa kili-kili ng sinumang sasakay sa bus, jip, fx na walang aircon, etc. Ma-wrong timing ka lang sa pagtawid e sandamukal na mura ang matatanggap mo. Sa tuwing mag-eeleksyon, bakit ang daming mga main roads at eskinita ang pinagagawa, at syempre meron sa mga tabi ang naglalakihang paalala na ‘this is a project of ______’. Summer na, pero meron pa ring ‘Merry Christmas from ____’ sa mga daan. Lumalaki ang gap ng mayayaman sa mahihirap. Gusto natin ng mababang presyo ng gamot . . . oo, siguro, para affordable na ang pinagbabawal na gamot, ganon ba yun? Teka, bakit ba kelangan pang pondohan ng gobyerno ang pag-ihi ng mga kalalakihan, unfair sa girls ata yun!
“Hindi na tayo uunlad!”, bulong ng demonyo sa kaliwang tenga ko.
“Gumising ka nga Dace!”, sigaw ng anghel sa kaliwang tenga rin, na sinapak ang demonyo upang malalag ito sa pagkakalipad.
So nagising na ko, inisip ko sana magising rin kayo.
Sobrang nagdadalamhati ngayon ang Pilipinas kong mahal, dahil kinuha na sa atin ang nagsilbing ilaw o sabihin na nating apoy na nagliyab na humarap at lumaban sa Martial Law, si Pangulong Corazon Aquino. Hindi siya nabigo, na-ibalik natin ang demokrasya. SALAMAT!
Si President Cory ang tanging pangulong hindi inabuso ang kanyang kapangyarihan. Hindi inakusahan ng kurapsyon. Matapang siya at nanindigan na tayong mga Pilipino ay may magagawa. Masayahin at hindi nakakalimot na tumawag sa Diyos. Alam niyo, siya pa lang ang kilala kong Filipino leader na tinaggap ang pagtatapos ng kanyang termino ng buong puso.
Hindi natin nadadama ngayon ang ganitong kalayaan kung hindi dahil kay Pres. Cory. Dahil sa kanya marami akong na-realize. KAYA PALA NATIN!
Gusto natin ng PAGBABAGO hindi ba? Bakit ganon? Pag-andyan na ang pagbabago e bakit puro kritisismo at pambabatikos ang kinahihinatnan?
Ganyan lagi, alam ko yan kasi, matatalino tayo. Hindi tayo nauubusan ng reklamo. Ganyan tayong mga Pilipino, aminin natin yan. Pero sana sa bawat reklamo, tignan din natin ang PROGRESO. Parang piso per minute na tawag . . . Sa bawat reklamo mo, sana may PROGRESS di ba?
Magkaroon tayo ng deal. Ikaw, OO! Ikaw, Pilipino ka alam ko, kasi kung hindi e, hindi mo mababasa ‘tong blog ko. OK, ganito ‘yan. Pag ikaw, sinabi mong wala tayong mapapala . . . e . . . IKAW MISMO sa sarili mo e hindi nagagampanan ang pagka-Pilipino, IKAW MISMO ang walang napapala. Wala ka na ngang napala e nag-papalala ka pa. Kung nawawalan ka na ng pag-asa e kumuha ka ng post it at idikit mo sa noo mo, “Salot Ako!”.
May rason kung bakit nasa Pilipinas ka. Isipin mo yan, Gising na!
Maraming Salamat po, mahal na Pangulong Corazon Aquino.
Maraming Salamat sa nag-iisang INA NG DEMOKRASYA!
Your Legacy will remain in every Filipino hearts FOREVER!